Si Gypsy ay isa sa mga manunulat ng Precious Hearts Romances. Ang una niyang nobela ay nailimbag noong taong 2010. Mahilig siya sa manga at anime. Iba’t ibang libro rin ang sinusubukan niyang basahin. Bukod sa maiikling kuwento o SHORTCUTS na Pop-Up Question, at Meeting Dr. Frank N. Stein, ang Anonymous ang una niyang nobela na nailimbag sa Black Ink.
The Illustrator
Reah Padullo
Ang pagguhit, sining, at literatura ay ang mga pinakapaboritong bagay ni Reah simula pa noong bata siya. Pagbabasa ng mga kuwento tulad ng fairy tales at novels ang nagbibigay ng inspirasyon sa kanya. Sumasali siya sa mga poster making contest at mural painting noong high school at naging interesado rin siya sa animation at manga. Isa sa mga pangarap niya ang maging illustrator o manga artist para sa mga kuwentong magbibigay ng inspirasyon at aral lalo na sa mga kabataan. Sa kasalukuyan, siya ay nabigyan ng pagkakataon na matupad ang kanyang pangarap, at iyon ay ang gumuhit para sa libro na ito.