The Books



Code: BIN0001
Genre: Paranormal / Romance
Title: Anonymous
Writer: Gypsy Esguerra
Illustrator: Reah Padullo

“Alam kong may katabi ako ngayon pero hindi ko nakikita,” sabi ni Lanie sa lalaking kaharap niya habang hindi inaalis ang tingin dito.
“Kung hindi mo siya nakikita paano mo nalamang may kasama ka?... Did you come here alone?” tanong nito. “Of course, when I say ‘alone’ I meant you being physically alone.”
“Yeah...” sagot ni Lanie.
“I didn’t want to scare you—and I hope I am not scaring you―but I need to tell you that your companion seems angry at me.”
“Ano’ng hitsura niya?”
“H-he’s taller than I am.”
“Probably six feet?”
“Yes. He’s also lean and as I’ve said angry.”
“Ano’ng hitsura ng mukha niya?”
“Ahh… iyan ang hindi ko masasagot.”
Napakunot-noo siya. “Bakit?”
“All I can see now is a shadow. At mukhang wala siyang balak ipakita sa ibang tao kung ano talaga ang hitsura niya.”


For those who wants to read or download the excerpt of the book please click this link (must be opened using Google Drive): https://docs.google.com/file/d/0B7fmwL-ZY6bwRmZfRm81WE9iWlE/edit







Code: BIN0007
Genre: Paranormal / Romance
Title: Androgynous
Writer: Gypsy Esguerra
Illustrator: Reah Padullo

“Susunduin mo na ba ‘ko?”
Tumaas ang mga kilay ng lalaki.
Nakakamangha talaga ang hitsura ng kaharap ni Aly. Napakaamo ng mukha nito at kung normal lang itong tao ay baka magawang titigan nang matagal ni Aly ang hitsura nito. Ngunit saglit siyang nag-iwas ng tingin.
“Ano ang pangalan mo?” medyo nanginginig na tanong ni Aly.
Napangiti ang lalaki bago humakbang palapit.
Napaatras naman si Aly.
“Jair.”
Napakunot-noo si Aly habang patuloy na umaatras at patuloy na lumalapit ang lalaki. Hindi niya masyadong naunawaan ang sinabi nito.
“Jer… as in Jeremy?”
“Jair ang pangalan ko.”
“Oh… Jair…” kabadong sabi ni Aly habang naiisip na katunog ng ‘stair’ ang pangalan ng lalaki base na rin sa pagbikas nito.
“Bakit parang kilala mo na ‘ko?”
“Hindi kita kilala.”
Nang tumigil si Aly sa pag-atras ay tumigil na rin si Jair sa paglapit.
“Pero… hindi ba… ipinaalam mo na sa ‘kin ang pagdating mo?”
Naguluhan si Jair.
“Kailan ko ginawa iyon?”
“Noong isang araw. Sa panaginip ko.”